My Ultrasound when I was 5 months pregnant. |
nyledef
anything that you might not know about me..
Monday, November 3, 2014
Update
Hi, I was not able to post for more than a year because something great has happened.. A month after my last post.. I finally got pregnant.. Today my baby is 8 months old her name is Kirsten Cassidy, my greatest gift from God..
I want you to take a look of my adorable daughter.
Friday, May 3, 2013
I feel so helpless
I know that it's not easy to say this
especially because i hate people feel sorry about me.
I don't like other people know that I'm sad,
I showed them that I am okay even if I'm not.
I know it's not easy to show some weaknesses,
especially because i hate people think that I can't
I don't like them think that I'm struggling,
I showed them that I am okay even if I'm not.
I know to myself that I feel so helpless,
especially because I'm aware that it's quite impossible,
I don't and I can't accept that fact..
Because I know the truth is there is God!
I know that He will never fail me,
especially because He is my Father.
I just need to believe Him no matter what.
Because I know that the best time is God's time.
Monday, February 18, 2013
My sweet TARTS
Bigla ko lang naisip na magbake ng tarts, so nagsearch ako sa internet ng mga basic recipe. On my first try hindi siya successful kasi masyadong malagkit yung dough na nagawa ko. So gan'to naging itsura niya..
Pineapple Tarts - masarap sana kaso they look bad.
So after one week, nagpabake ulit yung niece ko, this time natiyambahan ko yung dough, so perfect. Kaso super sweet, nakakaumay.. Hehe..
Almond Tarts - perfect na sana kaso sumobra sa tamis.
And then kanina, nagpabake ulit yung niece ko, this time gusto ko perfect na so, pinagisipan ko na talaga. Kaso hindi pa din gano'n ka perfect pero atleast stand out na talaga..
Egg Tarts - Masarap kaso kailangan lang bawasan yung
pagkatamis ng condense milk and egg filling.
Well, if you are planning din na magbake ng tarts. Advice ko lang sumunod ka na lang sa recipe, kase ako bara-bara e. Hula-hula ba.. Here's an example of recipe on how to prepare a tarts dough. Tapos yung filling, ikaw nalang bahalang mag-isip. You can also search sa net kung ano yung pwedeng gawing fillings.. So.. Enjoy!!!!
INGREDIENTS
- 8 tablespoons unsalted butter (1 stick), melted
- 3 tablespoons granulated sugar
- 1/4 teaspoon fine salt
- 1 1/4 cups all-purpose flour, plus more as needed
INSTRUCTIONS
- Heat the oven to 350°F and arrange a rack in the middle.
- Combine the butter, sugar, and salt in a large bowl and stir until evenly incorporated. Add the measured flour and stir until just combined and a soft dough forms.
- Sprinkle the dough over the bottom of a 9-inch tart pan with a removable bottom. Using a measuring cup or your fingers, evenly press the dough into the bottom and up the sides of the pan (flour the cup occasionally to prevent sticking).
- Cover the tart shell with plastic wrap and let it rest in the refrigerator for 30 minutes. Once chilled, prick it all over with a fork and bake until golden brown, about 20 to 25 minutes.
- Remove from the oven and cool completely on a wire rack before filling and removing from the pan.
Sunday, October 7, 2012
Monday, July 23, 2012
Iphone 4s
Tuesday, July 17, 2012
Old Pictures
I was surprised bcoz i saw these old pictures on an old memory card for cellphone.. i thought wala na akong kopya ng aking mga pictures taken few years ago, nung mejo sexy pa ako.. hehe
Sunday, July 8, 2012
giant cricket
kung gaano kalaki ang kuliglig na yan.. gano'n din siya kaingay.. ginulat kami nila mama, tita baby, ni marlowe and yayong sa pagdating nito.. naku pra lang siyang giant langaw hehe...
Friday, June 22, 2012
Dedicated to my ABBA Father
I Could Sing Of Your Love Forever
Over the mountains and the sea
Your river runs with love for me
And I will open up my heart
And let the healer set me free
I'm happy to be in the truth
And I will daily lift my hands
For I will always sing of when
Your love came down
I could sing of Your love forever
I could sing of Your love forever
Oh I feel like dancing
It's foolishness I know
But when the world has seen the light
They will dance with joy
Like we're dancing now
I could sing of Your love forever
I could sing of Your love forever
Oh I feel like dancing
It's foolishness I know
But when the world has seen the light
They will dance with joy
Like we're dancing now
I could sing of Your love forever
I could sing of Your love forever
Monday, June 4, 2012
birthday wish
i celebrated my bday today june 4, 2012 with pizzas from greenwich.. i love yellowcab too.. and i just turned 29.. i got married last june 15, 2011… so 1 year na kami ni hubby.. no baby yet.. but we’re trying.. i have this what they call pcos means polycystic ovary syndrome.. some says its a hormonal imbalance.. now i am seeing an infertility dr.. i’m taking meds regularly.. metformin and folic acid.. i took femara as well… ngovulate naman ako.. nung last month hindi successful.. sana this month successful na.. that’s my birthday wish.. The Lord will answer.. I know..
Wednesday, August 11, 2010
The driver and the policemen
A month ago me and Marlowe bought a honda repsol wave 125 na tinawag naming si "peewee", kulang ung pera namin so nangutang kami kay erpat ng 35k... We were so happy kc 2nd hand lang ang hinahanap namin pero brandnew ung binigay ni Lord..
Kya nagpatawag kami ng pulis na inaakala naming tutulong sa amin, pulis na sinasabing alagad ng batas. Pulis na magpapatupad ng kung ano man ang nararapat na aksiyon sa mga gaya ng pangyayaring kinasasangkutan namin at ng Driver na iyon.
Hindi namin siya agad nadala sa Angeles kc inantay pa namin yung Plate. Then 2 weeks later nakuha ko na ung plate then, nagpasundo ako kina Marlowe and Jeff (boardmate) para madala na namin sa Angeles si peewee.. Ung unang biyahe namin, it was so smooth though umuulan at mejo maggagabi na.. Nagkahiway kami sa may Marquee mall kc nagkaroon ng miscommunication.. pero buti nalang walang nangyaring hindi maganda..
After a week, inuwi namin si peewee kc may kinailangang ayusin.. Naayos naman. Tuwang tuwa ako kc nagwan ng paraan ung inayos nmin na hindi ako gumastos ng malaki.. Then nung July 30, 2010.. Sinundo nila ulit ako. Ok namn ung biyahe kc di umuulan. Maaliwalas ang daan.. pero pagdating sa may Magalang, papuntang Angeles may isang driver na ubod ng engot. Paatras siya galing sa isang Junkshop sukat ba naman harangin kami. Buti nalang at mabagal lang kame. Pero nagkaroon kami ng mga minor injuries ni Marlowe. Ok lang sana kahit nagkaroon din ng gasgas si peewee kaso itong si mamang driver imbes na pagmalasakitan kami, ung mga miron ang inasikaso at sinasabing kami daw ay mabilis kya nangyari ang aksidente.
Kya nagpatawag kami ng pulis na inaakala naming tutulong sa amin, pulis na sinasabing alagad ng batas. Pulis na magpapatupad ng kung ano man ang nararapat na aksiyon sa mga gaya ng pangyayaring kinasasangkutan namin at ng Driver na iyon.
Dumating sila pagkaan ng 15 minutes na kung saang nagkaroon na kmi ng matinding sagutan nung driver na nagmamagaling. Iginigiit niya na kami daw ang may ksalanan.. Sabi ko siya na nga nakasakit ng tao siya pa mayganang mambintang.
Dumating ung mga pulis at niyaya nila kami sa presinto. Pagdating namin doon, pinapunta nila kami sa isang hospital at doon na kami ngpalinis ng mga sugat namin. At para daw magawan kami ng medical reports. Habang nasa hospital kami, ang kasama naming si jeff ang nakikipagnegotiate sa driver na pangit. Sabi ni Jeff pumapayag na daw na magbayad sa lahat ng gastos ksama na medical at sa sira ng motor ung Driver. Pero bago pa man kami ngbalik sa presinto nagbalita ulit si jeff na hindi daw sila magbabayad ng gastos sa motor, medical lang daw sasagutin niya though sabi daw ng pulis sa kanya, kahit sinong mekasalanan sa mga ganong kaso, dahil kami daw nasaktan, responsibilidad daw niya na gastusin ung dapat bayaran tpos sabi pa "pasalamat ka yan lang nangyari sa mga naaksidente mo." sa madaling salita sa amin ang simpatiya nung pulis na humahawak ng kaso namin.
Pagdating namin, humihingi siya ng konting tulong sa gastos, sabi ko, makikipagtulungan kami basta mabibigay ung karapatan namin, sabi niya siya daw bahala sa hospital bills. Sabi mo 300 pesos lang ung gastos, edi ibig sabihin mas malaki pa gastos namin kesa sa knya.. Kya un sabi nung pulis ipaestimate ung gastos ng motor tapos babalik sa nalang ng monday..
Pinaestimate naman namin at bumalik kami ng monday, pagdating dun, kinausap kami nung hepe at nabangit din niya na nagpapatulong daw ung tao sa mayor, lalo akong babwisit sa Driver. Napakaliit na bagay hinihingi pa ng tulong sa mayor.
Pagdating niya kalahati lang daw ang babayaran niya. Dahil un daw ang napagkasunduan. Sabi ko, wala akong sinabing ganon. Kung daw pinapabayad namin lahat, bayaran din daw namin ung nasira niyang ilaw. Presyo ng ilaw, 1100 daw.. Sabi ko sige papalitan namin ung ilaw, pero kami ang bibili. Kya yun siya din daw bibili nung mga nasirang parts ng motor. So yun sabay kaming umalis sa prisinto.
Pagbalik namin, sabi nung pulis mali daw ung binili namin, di daw ganun ung ilaw nung owner niya. Sabi ko eh pano po kung di kami makakita, Sabi niya in sarcastic way, "yan na nga ba sinasabi ko." Tapos sabi pa, "pasalamat kayo, hindi kayo tinakbuhan nung nakabundol sa inyo." Parang nagbago na ihip ng hangin. Hindi ko na tuloy alam kung ung taong kaharap namin ay pulis o abogadong nagpapabayad para magtangol ng isang taong maysala.
Nagantay kami ng isang oras, dalawang oras. Kumain kami ng lunch tapos isang oras na pagaantay ulit, tapos isa pa, hindi dumating ung si Driver pangit, so nakapagdesisyon na babalik nalang ng wednesday.
Hinanap namin ung ilaw nung owner niya sa kahabaan ng highway ng Dau, sa awa ng Diyos nakakita kami, at ang presyo 5 hundred plus lng, kaso huling stock nlng siya so nilinis pa siya ni Marlowe. Nagawa namin yun dahil pakiramdam ko, hindi na ito labanan ng pera pera lang. Kundi labanan ng prinsipyo at katarungan.
Pagdating ng wednesday, umuwi muna kami sa bahay, tapos ngpatulong ako sa mama ko at dun sa isa kong tito, pagdating namin, as usual wala pa sila. So, tinanong ko sa pulis na mehawak ng kaso, "di po yata siya dadating." sabi niya, "padating na siya." So nagantay kami. Nakuhang mainip ni mama sa pagaantay. Hanggang sa kausapin kami nung hepe, sabi niya, "dumating ung tao nung hapon ng lunes, sabi niya 1700 lang daw ang maibibigay niya." tapos sabi ko, "bumili po kami ng ilaw nung owner niya, napagod po kaming hanapin yun." sbi niya, "ibalik niyo nalang yan sa tindahan." Nainis daw si mama sa tinuran nung hepe kaya nagsalita siya, "ganyan nalang po ba, porket may kakilalang mataas sa gobyerno?" Galit na sumagot ung hepe, "huwag po kami kagalitan niyo, atsaka ako po ang hepe dito." sabi pa niya. Tumawag yung hepe dun sa tao, sabi nung tao, "nasa angeles daw siya, sa ibng araw nalng daw kami magusap." Nabubwisit nako..
Tapos pinakiusap ung tao kay Marlowe (hindi pla ung driver ang kausap ni hepe). Binalaan na pag hindi dumating, magdedemanda na kami. Sabi nung tao, sige magdemanda nalang kayo.
Huwebes ng umaga, dumating si Tito Ver sa amin, isa siyang kagawad ng barangay at nagprisinta na kausapin ung taong nakabundol sa amin. Sabi niya, tatakutin at pipiliting kunin ung gastos namin. Pero iba ung nangyari, matigas daw talga ung tao, at masyadong madada. At nagsabi pang may kakilala daw siyang general. Kya nung ibigay ung 1200, pumayag na siya. Nanlumo ako, pero wala na akong magawa. Pakiramdam ko, isa akong talunan sa isang kasong ako ang biktima.. ako at si Marlowe.
Ngaun ko napatunayan na may mga taong sila na nkasakit ng kapwa, sila pa may lakas ng loob na magpatulong sa mga tao sa gobyerno. At higit sa lahat, ngaun ko din napatunayan na may mga alagad ng batas na alagad din ng mga sumasalungat sa batas.
Masakit pa din ang loob ko hangang sa ngaun, pero sabi ni mama, ipanalangin nalang daw namin ung mga taong nagkasala sa amin. Ang Diyos nlang ang bahala sa mga taong yun lalo na ung Driver na yun.
Subscribe to:
Posts (Atom)